-- Advertisements --
rescue operations
Brave men from PAF, rescued victims of earthquake in Cotabato areas (file photo)

CENTRAL MINDANAO – Umakyat na sa 21 katao ang nasawi, 361 ang sugatan at 9 missing sa tatlong magkasunod na lindol sa probinsya ng Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Cotabato acting Vice-Governor Shirlyn Macasarte Villanueva.

Si Villanueva ang inatasan ni acting Governor Emmylou ”Lala” Taliño Mendoza na mangasiwa sa mga biktima ng lindol.

Umaabot din sa 20,704 family affected katumbas ng 103,520 katao mula sa 38 barangays sa probinsya na grabeng niyanig nang lindol.

Sa kabahayan na sinira nang lindol, 18,997 ang totally damaged at 1,707 partially damaged.

Tumutulong din ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kung paano marekober ang siyam katao na missing sa mga gumuhong bundok sa bayan ng Makilala, Cotabato.

Sa ngayon ay nasa humanitarian relief at temporary shelter na ang tinututukan ng provincial government ng Cotabato sa mga biktima ng lindol.