Nasa 21 dating mga miyembro ng NPA (New People’s Army) ang sumuko Sa 6th Infantry Division(6ID) ng Philippine Army sa Lebak, Sultan Kudarat.
Ayon kay Colonel Eduardo Gubat, commander ng 603rd Infantry Brigade, ang mga sumuko ay pinangunahan ng isang Ariel Odas Apang alyas TATS, ang commanding officer ng Dragon Fruit Platoon, East Daguma Front.
Kasamang nagbalik-loob ni Tats ang 20 miyembro ng kanyang platoon kung saan isinuko rin nila ang 21 matataas na kalibre ng armas at mga gamit pandigma.
Ayon kay Major General Juvymax Uy, commander ng Joint Task Force Central and 6th Infantry Division, ang pagsuko ng maraming bilang ng NPA ay nakatulong para mapahina ang puwersa ng mga komunista sa Region 12.
Aabot na aniya sa 60 ang mga sumukong NPA, at 60 rin ang isinukong armas sa kanilang area of responsibility mula Enero ng taong ito.
Ang mga sumuko ay pansamantalang tutuloy sa mga halfway house sa Sultan Kudarat habang pinoproseso ang kanilang mga benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Nakatanggap din sila ng immediate cash and livelihood assistance mula kay Sultan Kudarat Governor Suharto Teng Mangudadatu at Lebak Mayor Frederick Celestial.
“The recent mass surrender of NPA members will surely have significant impact to weaken the communist terrorist group in Region 12 to “insignificant level” through our intensified collaboration with the Regional Task Force – ELCAC XII, under Secretary Isidro S. Lapeña as Chairperson; Provincial and Municipal Government Units of Sultan Kudarat; and the community as part of the ‘whole-of-nation approach’ in ending the local communist armed conflict,” wika pa ni M/Gen Uy.