-- Advertisements --
Patay ang 21 pasahero ng bus ng ito ay mahulog sa lawa sa China.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mabilis na tinatahak ng bus ang six lanes ng traffic at bigla itong lumusot sa pader.
Ayon sa Anshun City Government sa Guizhou province na 15 katao ang nailigtas at nadala agad sa pagamutan.
Karamihan sa mga pasahero ay mga high school students na kumuha ng nationwide university entrance exams.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.