Na-promote ang may 21 matataas na opisyal ng Philippine Air Force (PAF) at Philippine Navy sa kanilang susunod na mas mataas na ranggo o puwesto.
Sa isang pahayag, sinabi ni Philippine Air Force spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo na naganap ang donning ceremonies para sa ikatlong star ni Air Force chief Lt. Gen. Stephen P. Parreño sa Armed Forces of the Philippines (AFP) General Headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Alinsunod sa Republic Act No. 11709, at alinsunod sa rekomendasyon ng Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Board of Generals, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang pagtatalaga kay Lt. Gen Parreño sa susunod na mas mataas na ranggo na epektibo noong ika-13 ng Enero ng kasalukuyang taon.
Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines chief Gen. Andres C. Centino ang donning ceremony ng Philippine Air Force commanding general na umako sa komandante ng Air Force kasunod ng pagreretiro ni Lt. Gen. Connor Anthony Canlas Sr. noong huling bahagi ng Disyembre.
Una na rito, malugod ang pagbati ni Parreño sa mga na-promote na opisyal na may kaukulang pag-upgrade sa kanilang aeronautical ratings.