-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nakatakas ang dalawang bigtime drug pusher sa inilunsad na operasyon ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Cotabato police provincial director Colonel Maximo Layugan na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Inforcement Agency (PDEA-12) 34th Infantry Battallion Philippine Army at pulisya ang bahay ng dalawang mga bigtime drug pusher sa Brgy Buricain, Pigcawayan, North Cotabato.

Ngunit bago pa nakarating ang raiding team sa kanilang target ay mabilis na nakatakas ang mga suspek na sina Abdulsalam Maraguiar at Antolin Akmad.

Narekober sa tahanan ng mga suspek ang P210,000 halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.

Isinampa na laban sa mga suspek ang paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165 otherwise known as The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.