-- Advertisements --

Naitala ang 211 na bilang ng aktibong kaso ng Immunodeficiency Virus-Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV-AIDS) sa lalawigan ng Baguio.

Ayon sa tala ng City Health Services Office-Reproductive Health and Wellness Center sa nakalipas na buwan ng Nobyembre nasa edad 20 hanggang 29 taon gulang daw ang nahahawa ng sakit.

Kung saan pinangangambahan ng lokal na pamahalaan ang pagbata ng bilang ng mga kasong nahahawa ng HIV-AIDS.

Layon naman ng City Health Services Office at mga partners nito na wakasan ang HIV-AIDS sa 2030 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programa na makakatulong na mabawasan ang pagkalat ng HIV-AIDS sa bansa. Kagaya na lamang ng pagbibigay ng mga kaalaman kung gaano kahalaga ang proteksyon sa pakikipagtalik.

Noong 2023 inilunsad ng City Health Services Office ang kauna-unahang school-based HIV testing na naglalayon na matanggal ang ‘stigma’ sa lahat ng Pilipino ukol sa HIV-AIDS ng sagayon aniya mas mapadali ang kinakailangang tulong at panlunas sa mga ito.