-- Advertisements --

Umabot na sa 213 ang bilang ng mga namatay na pasyenteng nagpositibo sa Wuhan corona virus.

Ang mga ito ay nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng China na simulang na-detect mula pa noong nakalipas na taon.

Sinasabing ang record na 38 death toll ang pinakamalaking nadagdag sa loob ng isang araw.

Maliban sa mga nasawi, mayroon ding ginagamot na mahigit 9,000 makaraang magpositibo sa nasabing sakit.

Habang may mga suspected cases naman na nasa quarantine sa iba’t-iba pang parte ng mundo.