Nasa 214 na mga indibidwal ang inaresto ng PNP sa magdamag na operasyon ng Southern Police District (SPD) dahil sa paglabag sa ibat-ibang ordinansa ng siyudad mula alas-5:00 ng umaga ng June 15 hanggang alas-5:00 ng umaga ng June 16, 2018.
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director, CSupt. Tomas Apolinaro na ang pagkaka-aresto sa mga nasabing indibidwal ay bunsod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na arestuhin ang mga indibidwal na nakatambay sa mga lansangan at istriktong ipatupad ang mga local city/municpal Ordinances ng sa gayon maiwasan ang anumang criminal activities.
Pagtiyak ni Apolinario na lalo pang palalakasin ng SPD ang kanilang law enforcement operations lalo na sa mga lumalabag sa mga ordinansa ng isang siyudad.
Inulat ni Apolinario na sa area ng Pasay City Police Station nasa 18 indibiwal ang naaresto dahil sa paglabag sa City Ordiances ang pag -inom sa kalye, half naked, illegal barker at pag-ihi sa mga public places.
Sa area naman ng Makati City Police Station, nasa 10 indibidwal dahil sa paglabag sa curfew at anti-smoking.
Sa Paranaque Police Station, 96 indibiwal nahuli kung saan 41 dito ay nag-iinuman sa mga pampublikong lugar.
Sa Las Pinas Police Station, 38 indibidwal nahuli, sa Muntilupa Police Station 52 katao ang arestado.
Habang sa areas of responsibility naman ng Taguig City Police Station kasama ang Pateros Police Station ay walang mga naitalang pagkahuli na lumabag sa ordinansa ng siyudad o munisipalidad.
Naniniwala naman si Apolinario, ito ay dahil ginagawang round the clock na pagpapatrulya ng mga kapulisan sa mga nasabing lugar.
Dagdag pa ng heneral na ang mahigpit at striktong implemenstasyon ng mga city ordinances ay malaking tulong para maprotektahan ang komunidad lalo na sa mga kabataan para maiwasan na malulong sa iligal na droga at maging biktima ng mga lawless elements.
” The strict implementation of this is to instill discipline in our community/people for them as much as possible to observe the Ordinances passed by their respective city and municipal chief executive,” pahayag ni Apolinario.