-- Advertisements --

Umabot sa 215 ang kabuuan ng bilang ng mga bumotong kongresista para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Mula ito sa bilang ng mga mambabatas na 318.

Sa nasabing numero ay 255 ang mga mambabatas mula sa mga distrito at 63 mambabatas mula sa mga partylist.

Nangangahulugan na nalagpasan ng Kamara ang target nilang bilang na 102 lamang.

Sa pagsusulong kasi ng impeachment sa Kamara, kailangan lamang ng one-third ng lahat ng House members para makausad ang reklamo.

Dahil dito, pumili na ang lower House ng kanilang prosecutors.

Narito ang mga napiling mga taga-usig:

  • Rep. Gerville Luistro
  • Rep. Romeo Acop
  • Rep. Rodge Gutierrez
  • Rep. Joel Chua
  • Rep. Raul Angelo Bongalon
  • Rep. Loreto Acharon
  • Rep. Marcelino Libanan
  • Rep. Arnan Panaligan
  • Rep. Isabel Maria Zamora
  • Rep. Lawrence Defensor
  • Rep. Jonathan Keith Flores

Dahil dito, inaasahang ipadadala na ang kopya ng verified complaint sa Senado.

Sa oras na matanggap nila ito, magco-convene aqng mga senador bilang Impeachment Court na maglilitis sa kaso.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang tanggapan ni VP Sara Duterte hanggang sa mga oras na ito.