-- Advertisements --

Aabot sa 216,000 na mga bata ang umano’y biktima ng pang-aabuso mula sa miyembro ng Catholic clergy sa France simula noong 1950.

Inilabas ni Jean-Marc Sauvé, head ng panel na nag-iimbestiga sa mga pang-aabuso ng miyembro ng simbahan ang report hinggil sa sexual abuse na kinasasangkutan ng ilang miyembro ng French Catholic Church.

Sa naturang report na umaabot sa 2,500 pahina, na karamihan daw sa mga biktima ay pawang mga batang kalalakihan.

Posibleng umakyat pa sa 330,000 ang bilang ng mga biktima kung isasama ang mga pangmomolistiya na lay members ng simbahan.

Nadiskubre sa imbestigasyon ng komisyon ang ebidenisya laban sa 2,900 hanggang 3,200 abusers mula sa kabuuang 115,000 mga pari at iba pang clerics.

Karamihan sa mga nasabing kaso ay matagal na ring sumailalim sa paglilitis sa ilalim ng French law.