Kinumpirma ng Department of Agriculture ang plano ng Pilipinas na mag-angkat ng libo-libong metrikong tunilada ng mga pula at dilaw na sibuyas.
Ayon sa ahensya, layunin nitong masiguro na sapat ang supply ng mga agricultural commodity ngayong holiday season.
Sa isang pahayag,sinabi pa ng Department of Agriculture na maglalabas sila ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance para sa naturang importasyon ng mga fresh na sibuyas sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry.
Aabot sa 17,000 MT pula at 4,000 MT dilaw na sibuyas target na aangakatin ng Pilipinas ayon sa DA.
Ang kabuuang bilang na ito ng mga sibuyas ay nakatakdang dumating sa bansa bago matapos ang kasalukuyang taon .
Ang itinakdang panahon na ito ay bilang garantiya sa mga lokal na prodyuser na hindi maapektuhan ang kanilang mga susunod na ani ng sibuyas.
Gayunpaman, ang pagpapalawig ng petsa ng pagdating ay maaaring magbago depende sa magagamit na mga stock at mga presyo sa merkado.
Nilinaw naman ng ahensya na ang volume ng importasyon ng parehong pula at dilaw na sibuyas ay alinsunod sa per capita consumption ng isang bansa at magsisilbi ito bilang buffer upang maging stable ang presyo nito sa mga merkado.