Mag-aangkat ang Pilipinas ng 21,000 mterikong tonelada ng sibuyas na nakatakdang dumating sa bansa sa Disyembre.
Ayon kay DA- Bureau of Plant Industry Director Gerald Glenn Panganiban, ang aangkating mga sibuyas ay para mapunan ang suplay dahil halos paublos na ang stocks o hindi pa nailalabas at para mapigilan na rin ang pagtaas ng presyo ng sibuyas habang papalapit ang Christmas holidays.
Saad pa ng opisyal ang lokal na pulang sibuyas ay kasalukuyang pumapalo sa P140 hanggang P180 kada kilo.
Inaasahang makikita na aniya ang pagbaba sa presyo nito sa mga susunod na araw o linggo sa oras na dumating na ang suplay.
Matatandaan na naging kontrobersiyal ang ahensiya noong nakalipas na taon dahil sa pasipa ng presyo ng mga sibuyas na umabot pa sa P700 kada kilo.
Noong nakalipas na buwan naman ipinag-utos ng Kamara sa mga opisyal nito na magpaliwanag dahil sa paglipana ng imported onions sa lokal na merkado.