BUTUAN CITY – Isa na namang insedente sa pagpatiwakal ang natala sa probinsiya sa Agusan Del Norte. Ito ay matapos ang insidente kahapon sa Purok 11, Barangay La Union, lungsod ng Cabadbaran kungsaan nakita na lamang na nakabitin ang biktima kahapon sa umaga.
Napag-alamang pasado alas 12:30 sa tanghali ng tumawag ang isang Josaphat Japson sa Cabadbaran City Police Station upang ipaalam ang pangyayari.
Daling rumesponde ang pulisya sa pangunguna ni Police Executive Master Seargent Juniel Gamayon at nakilala ang biktima na si Ryan Cuestas Porras, 22-anyos may live-in partner at residente sa nasabing lugar.
Dinala sa Cabadbaran District Hospital ang bangkay ng biktima para sa post mortem examination.
Pinaniniwalaang dahil sa depression ang pagbigti ng biktima, base na rin sa pahayag sa ina nitong si Marian Porras.
Maalalang sa nakaraang araw lang nang nagbigti rin ang 14-anyos na Grade 9 student sa Barangay Tagabaka, nitong lungsod ng Butuan.