-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naging matagumpay ang isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Buyon sa bayan ng Bacarra.

Nakilala ang subject ng operasyon na si Mark Daniel Medrano, 22-anyos, may asawa at residente sa nasabing barangay.

Ayon sa Provincial Drug Enforcement Unit, bumuli umano si Medrano sa police poseur buyer ng isang sachet na naglalaman di umano ng shabu at dito na hinuli ng mga otoridad.

Sa isinagawa pang body search ay nakakuha pa angmga otoridad ng tatlong sachet ng iligal na roga, isang libong piso na buybust money, at 145 pesos na personal nap era nito.

Nabatid mula sa Provincial Drug Enforcement Unit na si Medrano ay Street Level Individual sa drug watchlist ng Philippine National Police.

Samantala, pinabulaanan naman ni Medrano na nagbabenta ito ng iligal na droga at inakusahan ang mga otoridad na habang naglalakad ay hinuli ng mga otoridad at pinadapa at dito na umano pinabulsa ang iligal na droga.

Sa pakikipanayam ng Bombo Radyo Laoag kay Medrano ay inamin niya na mayroon umano siyang ginahasa at ito ang dahilan kung bakit hinuli siya.

Sa ngayon ay nanatili si Medrano sa kustudiya ng Philippine National Police sa bayan ng Bacarra at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.