-- Advertisements --

Narekobor ang nasa 22 mga bangkay mula sa mga nadurog na bato at gusali ayon sa Ukrainian emergency services.

Ito ay matapos ang isinagawang airstrike ng Russia sa rehiyon ng Chernihiv ng Ukraine.

Una rito ay sinabi na ng regional governor na hindi bababa sa siyam na katao ang napatay ng dahil pa rin sa airstrike sa dalawang paaralan naman at mga pribadong tahanan.

Tiniyak naman ng Ukrainian emergency services na magpapatuloy ang kanilang rescue work, ngunit hindi nito tinukoy ang eksaktong lugar kung saan nangyari ang naturang pag-atake.

Ngayong araw ay napagkasunduan na magkabilang delegasyon ng Russia at Ukraine na magbigay ng humanitarian corridors para sa paglikas ng mga sibilyan na naipit sa mga kaguluhan ngayon sa Ukraine.