CENTRAL MINDANAO-Nakatakdang simula ang pagpapatayo ng 22 two-storey Barangay Hall building sa probinsya ng Cotabato na sakop na ng Special Geographical Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (SGA-BARMM).
Bago lang ay isinagawa ang groundbreaking ceremony sa mga proyekto sa Barangay Batulawan Pikit Cotabato.
Kabilang sa mga barangay na patatayuan ng Barangay Hall ng Bangsamoro Government ay ang Brgy. Rajahmuda, Bagoinged, Boliok, Barungis, Kabasalan, Gli-Gli, Bulol, Macabual, Balong, Manaulanan, Pamalian, Lagunde, Bualan, Panicupan, Nalapaan, Batulawan, Nunguan, Gokotan, Nanundas at Macasendeg sa Pikit; at Brgy. Dunguan at Tapodoc sa Aleosan.
Sinabi ni Ministry of Interior and Local Government (MILG) Minister Atty. Naguib Sinarimbo, ito ay bunga ng magandang pamamalakad ng bagong tatag na gobyerno ng Bangsamoro sa pamumuno ni Chief Minister Ahod Murad Ibrahim.
Pinasasalamatan naman ng mga opisyales ng bawat barangay ang Bangsamoro Government dahil sa mga proyektong kanilang natatanggap.