Na-detect ng Taiwan defense ministry ngayong araw ng Sabado ang 22 Chinese warplanes at drones sa airspace ng self-ruled island.
Ang mga aktibidad ng 22 People’s Liberation Army aircraft ay nadetect mula 9:30 am nitong Sabado.
Ayon sa defense ministry ng Taiwan, tumawid ang 12 Chinese aircraft sa median line at pumasok sa northern at central air defense identification zone ng Taiwan saka lumahok umano sa joint combat patrol ng Chinese naval vessels.
Posibleng may kinalaman umano ang show of military na ito ng China sa gitna ng isinasagawang joint military exercises ng US at PH kabilang ang malapit sa posibleng flashpoints ng WPS at Taiwan Strait.
Ang namataang Chinese aircraft sa Taiwan ay ilang linggo din bago ang inagurasyon ng bagong Taiwan president na si Lai Ching-te sa Mayo 20.
Itinuturing kasi ng China ang bagong pangulo ng Taiwan bilang mapanganib o dangerous separatist. Tinututulan kasi ni Taiwanese Pres. Lai ang claim ng China sa kanilang teritoryo.