Nagkasundo ang ilang grupo ng Chinese-Filipino businessmen na bigyan ng tulong ang 22 crew ng F/B Gemver 1 na sinasabing binangga ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank, West Philippine Sea.
Ipinaabot ng negosyanteng si Henry Lim Bon Liong, presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., ang pagnanais ng kanilang hanay na tulungang makabangon ang mga Pilipinong mangingisda na nasiraan ng panghanap-buhay.
“While the Philippine and China governments are still ascertaining what really happened, so far the real truth that we are already sure of is that our 22 Filipino brothers had lost their fishing vessel and their means of livelihood,†ani Liong.
Nangako rin ng P1-milyong tulong ang Philippine Chamber of Commerce and Industry, International Chamber of Commerce Philippines (ICCP) at Philippine Silk Road International Chamber of Commerce.