-- Advertisements --

Mahigit umano sa 295 million Americans ang delikado pa ring mahawaan ng coronavirus.

Iniulat ni US Centers for Disease Control and Prevention director Dr. Robert Redfield sa Senate hearing na batay sa preliminary results ng kanilang pag-aaral, nagpapakita na 90% ng popolasyon ang maaring kapitan pa rin.

Sa ngayon nasa 6.9 million katao na sa buong bansa ang kinapitan ng virus at mahigit naman sa 200,000 ang namatay ayon sa Johns Hopkins University.

Samantala, halos kalahati naman ng bilang ng mga estado sa Amerika ang muling lomobo sa bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Umaabot daw sa 22 mga estado ang meron na namang paglobo.

Hanggang ngayon sinasabing nag-a-average sa 43,000 kada araw pa rin ang naitatalang nahahawa sa deadly virus.