-- Advertisements --

Nasa 22 katao ang nasawi matapos ang ginawang airstrike ng Israel sa Gaza Strip.

Ayon sa Palestinian medical officials na kabilang sa nasawi ang limang bata.

Ang nasabing airstrike ay isinabay sa pagdalaw ni Cardinal Pierbattista Pizzaballa ang lider ng Simbahang Katolika sa Holy Land.

Nandoon sa Gaza si Cardinal Pizzaballa, para magsagawa ng misa.

Depensa naman ng Israel na kanilang tinarget ang Hamas na nagtatago sa nasabing lugar.