-- Advertisements --
Nasa 22 katao ang nasawi matapos ang pagsiklab ng kaguluhan sa dalawang gang sa Ecuador.
Nagbarilan ang magkaribal na drug trafficking gang sa Guayaquil City.
Bukod sa nasawi ay mayroon tatlong iba pa ang nasugatan na sila ay agad na dinala sa mga pagamutan.
Isa sa mga tinukoy ng mga kapulisan ang Los Tiguerones na nasa likod ng kaguluhan.
Bagamat inaalam ng mga kapulisan ang motibo ng insidente ay naniniwala ang mga ito na ito ay dahil sa agawan ng teritoryo.
Mayroon 20 criminal gang sa Ecuador na sangkot sa drug trafficking, kidnapping at extortion.
Dahil sa insidente ay hinigpitan ng mga kapulisan ang pagbabantay sa nasabing lugar.