BACOLOD CITY – Naitala ngayong araw ang pinakamaraming bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease sa loob ng isang araw sa lalawigan ng Negros Occidental.
Batay sa datos na inilabas ng Department of Health Region 6, mayroong 21 ang dumagdag sa mga COVID cases sa Negros Occidental at pawang mga locally stranded individuals ang mga ito.
Ito ay kinabibilangan ng 46-anyos na lalaki na residente ng Ilog; 70-anyos na lalaki na taga-Toboso; at 55-anyos na lalaki na taga-Moises Padilla.
Nagpositibo rin sa COVID ang 22-anyos na lalaki na taga-Himamaylan City; 23-anyos na lalaki na taga-Cauayan; 24-anyos na babae na taga-Binalbagan; 35-anyos at 34-anyos na mga lalaki na taga-Carlota City; at 56-anyos na babae at 27-anyos na lalaki mula San Carlos City.
Dumagdag din sa mga COVID positive ang 26-anyos na lalaki na taga-Sagay City; 20-anyos, 23-anyos, 24-anyos, at 26-anyos na mga lalaki na taga-Escalante City; 46-anyos at 47-anyos na mga lalaki, 42-anyos at 18-anyos na mga babae na taga-Calatrava; at dalawang mga lalaki na taga-Murcia na may edad 48 at 43 anyos.
Dahil dito, umabot na sa 68 ang kabuuang COVID positive sa Negros Occidental.
Samantala, nadagdagan naman ng isa ang COVID case sa Bacolod.
Ang Patient No. 30 ay 18-anyos na lalaki na locally-stranded individual.