-- Advertisements --
COVID madrid spain OFW coronavirus
Madrid, Spain

Karagdagang 22 Pinoy sa ibang bansa ang pumanaw dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), pumalo na sa 244 ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong binawian ng buhay dahil sa deadly virus.

Habang lumobo pa sa 2,140 ang bilang ng mga Pinoy na dinapuan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,322 ang sumasailalim sa gamutan, habang 574 ang tuluyan nang gumaling at nakalabas na ng ospital.

“Today, the total number of COVID-19 cases among Filipinos abroad breached the 2,100 marks with 218 new confirmed cases and 22 new deaths, mostly recorded in the Middle East,” saad ng DFA.

“These sudden increases compared to yesterday’s figures are due to limitations on the release of daily verified reports on foreign nationals afflicted with COVID-19 in most countries in the said region,” dagdag nito.

Batay sa datos, 373 ang nasa 12 bansa sa Asia pacific Region; 616 sa 12 bansa sa Middle East at Africa; 647 sa 16 na bansa sa Europe, habang 504 sa anim na bansa sa Americas.

“Meanwhile, despite the decrease in the daily rate of recoveries reported by the DFA through its Foreign Service Posts, latest figures show that the total number of Filipinos who recovered from COVID-19 at 574 remains more than twice than the total fatalities and comprises about 27% of the total confirmed cases,” pahayag ng kagawaran.