Patay ang hindi bababa sa 22 katao matapos bumagsak ang isang iligal na small-scale na minahan ng ginto sa northern Tanzania, ito ay kasunod ng malakas na pag-ulan, ayon yan sa isang senior government official.
Ang aksidente ay nangyari umaga noong Sabado sa Simiyu region matapos ang isang grupo ng mga taong nasa pagitan ng 24 at 38 taong gulang ay nagsimulang magmina sa isang lugar kung saan mahigpit na pinagbawalan ang pagmina dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan, ayon kay Simon Simalenga, Bariadi district commissioner ng rehiyon.
Ani Simalenga, nakadiskubre ang naturang grupo ng isang lugar na mayaman sa mineral mga dalawa hanggang tatlong linggo ang nakararaan at nagsimula ang mga ito sa pagmimina bago pa man aprubahan ng gobyerno ang physical at environmental safety and procedures.
Sumalungat sa utos ang nasabing grupo, na nagsimulang magmina noong Biyernes bago bumagsak ang bahagi ng lugar at nailibing ang mga ito sa loob.
Maraming taon nang nagtrabaho ang gobyerno ng nasabing lugar para mapabuti ang kaligtasan para sa mga maliliit na minero pero talamak pa rin daw sa Tanziana ang hindi ligtas at iligal na pagmimina, lugar na pang apat sa pinakamalaking gold producer ng Africa, sunod sa South Africa, Ghana at Mali.