-- Advertisements --

Patay ang nasa 22 katao matapos ang pagkasunog ng pagawaan ng baterya sa South Korea.

Sumabog pa ang ilang mga lithium batteries sa Aricell plant sa Hwaseong city.

Ang mga nasawi ay kinabibilangan ng 18 Chinese, isang Laotian at dalawang South Korean na mga manggagawa sa nasabing bodega.

Mayroong walong iba pa ang nasugatan na itinakbo na ang mga ito sa pagamutan.

Ang nasabing bodega ay naglalaman ng mahigit na 35,000 na battery na ginagamit sa mga laptops at electric bikes.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang naging sanhi ng sunog.