-- Advertisements --

Patay ang 22 katao matapos na sila ay pagbabarilin ng mga armadong suspek sa south-west Pakistan.

Nangyari ang insidente sa Balochistan province, kung saan hinarang ng mga suspek ang isang truck at ng hiningi nila ang pagkakakilanlan.

Matapos na makitang taga-Punjab ang mga biktima ay doon sila isa-isang pinagbabaril at sinunog pa ang sasakyan nila.

Itinuturong nasa likod ng insidente ang grupong Baloch Liberation Army (BLA) na isang militant group.

Sinabi naman ni Interior Minister Mohsin Naqvi na napatay ng mga sundalo nila ang 12 militants sa isinagawang follow up operations.