-- Advertisements --
DND Sec Delfin Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana/ FB post

Naniniwala si Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi umano binully ng mga Chinese ang 22 Pilipinong mangingisda na sakay sa fishing boat na lumubog matapos banggain ng Chinese vessel sa Recto Bank.

Ito’y kahit unang kinondena ni Lorenzana ang pagbangga ng Chinese vessel sa fishing boat ng mga Pinoy.

Sa isang forum sa Maynila, sinabi ni Lorenzana sa tingin niya ay aksidente lamang ang pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy.

Pero inihayag ng kalihim na ang hindi nito nagustuhan ay hindi man lamang tinulungan ng mga ito ang mga Pilipinong mangingisda.

Ayon pa sa kalihim na naniniwala siya sa kuwento ng mga mangingisdang Vietnamese na nag-rescue sa mga Pinoy.

“Ya, I think it is just an accident, based on some of the information that we got from some of the crew, this is just an accident, siguro hindi rin sinasadya ng kabila na masagi nila and yun lang, hindi tinulungan dahil maraming mga bangka siyang nakita dun baka siya makuyog,” pahayag pa ni Lorenzana.