Umaasa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na dadami pa ang bilang ng mga Pinoy sa Libya na uuwi ng Pilipinas dahil sa lumala pang tensyon sa Tripoli.
Ayon kay DFA Usec. Elmer Cato, 22 repatriation requests pa lang ang kanilang natatanggap mula sa 1,000 Pilipino na nagta-trabaho sa Tripoli.
“We have received 22 requests so far, including the seven we repatriated a few days ago, who have already arrived in Manila,†ani Cato na Chargés d’Affaires at Philippine head of mission din.
Nitong Sabado nang makauwi ang unang batch ng Pinoy kabilang na ang apat na estudyante at tatlong hospital workers.
Ngayong linggo naman nakatakdang i-evacuate sa Tunisia ang 15 nagsumite ng request para makauwi ng bansa.
“In the next few days, the Philippine Embassy in Tripoli will be evacuating 15 other Filipinos to Tunis (Tunisia) where they would be repatriated to the Philippines.”
Sa ngayon patuloy umanong nakakatanggap ng mga inquiry ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli pero karamihan din daw sa mga Pinoy ang hindi pa sigurado sa pag-uwi.
Kung maaalala, isang Pilipino ang nasugatan noong nakaraang linggo nang tumama ang rocket attack sa lugar na malapit sa tinitirhan ng Pinoy community.
“On Wednesday (April 17), mortars struck a hospital with 18 Filipinos in the outskirts where heavy fighting is taking place. Today (April 20), at least six Filipinos remain trapped in fighting in their neighborhood in Tripoli.”
Hinikayat naman ng DFA ang pamilya at kamag-anak ng mga OFW dito sa Pilipinas na kumbinsihian ang kanilang mga kaanak na umuwi na ng bansa.
“We understand they are here to provide for their families back home, but the situation here is becoming increasingly dangerous for those who want to stay,†ani Cato.