BAGUIO CITY – Labis ang pagtangkilik ng mga taga-Baguio City sa iba’t-ibang prutas na nanggaling sa Mindanao na ibenenta sa mga lokal.
Pinilahan ng mga residente ang mga prutas na ibenenta sa kauna-unahang MinDA Fruit Festival sa Baguio City.
Isinagawa ang aktibidad sa Session Road, Baguio City sa pangunguna ni Mindanao Development Authority (MinDA) chief Emmanuel Piñol at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Pangunahing pinilahan ng mga tao ang seasonal na durian na nabili sa halagang P100 sa isang kilo, malayong mas mababa sa normal na presyo nito sa lokalidad na P300 bawat kilo.
Naubos din ang iba pang panindang prutas galing sa Mindanao gaya ng lanzones, rambutan, marang, pomelo at mangosteen na sa kabuoan ay aabot sa 22 tonela.
Ayon sa lokal na pamahalaan, agad na naubos ang mga panindang prutas sa dami ng tao at maaalalang noong Sabado ay agad ding naubos ang mga free taste na prutas lalo na ang durian.
Ayon kay Piñol, isinagawa ang MinDA Fruit Festival parana magtanim ng mas marami pang prutas at para matulungan ang mga fruit vendors sa Mindanao.
mahikayat ang mga magsasaka sa Mindanao na magtanim ng mas marami pang prutas at para matulungan ang mga fruit vendors sa Mindanao.