Binigyan ng pardon ng United Arab Emirates (UAE) government ang nasa 220 Filipinos na nakakulong sa nasabing bansa.
Ang pardon ay ginawa kasabay ng paggunita sa ika-53rd National Day ng UAE at ang ginawang representasyon ni Pang. Ferdinand marcos Jr at ng kaniyang counterpart.
Tradisyon na din kasi ng liderato ng UAE na magbigay ng pardon kasunod ng kanilang pagdiriwang sa national day.
Inanunsiyo ng UAE government ang pagbibigay ng pardon sa mga nakakulong na mga Filipino nuong December 26,2024 at dahil sa natatanging pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Resulta din ito sa naging pulong nina Pang. Ferdinand Marcos jr at His Highness Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan, Pangulo ng United Arab Emirates nuong buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon.
Sa kasalukuyan pino proseso na ng Department of Foreign Affairs at ng Philippine Embassy sa Abu Dhabi ang documentary atadministrative requirements para sa pagbabalik bansa ng mga na pardon na Filipino sa UAE.
Ang mga na pardoned na Pinoy ay nakakulong dahil sa ibat ibang paglabag.
Nuong June 2024 nasa kabuuang 143 Filipinos ang nakulong sa UAE at binigyan ng pardon dahil sa paggunita ng Eid al-Adha.