Hinahanda na ngayon ng Philippine Navy ang kanilang pinakabagong landing dock at largest vessel na may kakayahan na makapag deliver ng 220 tons ng mg food at non-food relief items sa Tacloban City at sa iba pang lugaf sa Visayas na apektado ng Bagyong Urduja.
Ayon kay Phil Navy Spokesperson Captain Lued Lincuna ang BRP Tarlac (LD601) ang siyang inatasang mamahagi ng mga hygiene kits, medical kits, mosquito nets, plastic mats (bedding) at solar lamps mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH) atNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Pahayag ni Lincuna na agad aalis ang barko sa Pier 13 sa South Harbor sa Manjla kapag nakumpleto na ang mga relief items at lalo na kung maganda na ang kondisyon ng panahon para bumiyahe.
Ang Bagyong Urduja ay nag iwan ng 45 patay habang 46 missing.
Binigyang diin din ni Lincuna na ang BRP Tarlac ay isa sa pinaka bagong acquisitions na magagamit talaga sa humanitarian assistance and disaster response (HADR).