Patay ang dalawang taong nabaril sa isang synague sa lungsod ng Halle sa Germany habang ginugunita ang Yom Kippur, ang pinakabanal na araw sa Judaismo.
Ang nasabing pag-atake ay napanood ng 2,200 viewers sa Live streaming ng Twitch; isang sikat na gaming site.
Hindi bababa sa 80 katao ang nasa loob ng sinagoga habang nagaganap ang pag-atake.
Isa ang nabaril sa isang kebab shop na malapit roon.
Ayon sa mga nakapanood sa live streaming ng nasabing site, may nagpakilalang lalaki bilang “Anon” na kung saan ay itinanggi niya ang nangyari sa holocaust, at kinukondena ang peminismo, imigrasyon at ang pagkakaroon ng mga Hudyo.
Mapapanood umano sa 35 minutong video na sinubukang pumasok ng shooter sa pintuan ng sinagoga ngunit ito ay nakalock.
Habang pinipilit pumasok ng lalaki ay pinagbabaril nito ang isang babaeng naglalakad malapit sa pinangyarihan ng Insidente at di kalaunan ay patuloy ito sa pagbaril ng iba’t -ibang mga target at tuluyan nitong itinatapon ang gamit nitong cellphone sa kalsada.
Ayon sa mga opisyal, ang suspek ay isang 27 anyos na lalaki galing sa Bendorf, Germany at hinihinalang parehas ang modus operandi nito sa nangyaring shooting incident sa Christchurch, New Zealand noong March 15, 2019.