DAVAO CITY – Matapos ma re-schedule ang flight, nakaalis at nakabiyahe na sa kani-kaniyang destinasyon ang mga 2,205 na mga pasahero sa Davao International Airport matapos na kinansela sa mga airline companies ang kanilang mga flights dahil sa aberya sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC).
Iilan naman sa mga pasahero ang nag rebook nalang dahil sa tagal ng aberya.
Sa datos ng CAAP, nasa 16 na mga flights ang na-stranded sa Davao International Airports. 14 niini ang domestic flight kung saan nasa 1,987 na mga pasahero ang apektado; At dalawang international flights o 218 na pasahero ang na delayed sa biyahe.
Maalalang nagka aberya ng dahil sa power outage ang Philippine Air Traffic Management Center kahapon na nagresulta sa problema sa komunikasyon, radyo, radar sa internet sa nasabing pasilidad.