Aabot sa 221 mga pasahero ang stranded dahil sa Bagyong Lanie.
Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Sa ngayon nasa 12 ports o pantalanan ang suspendido muna ang operasyon o hinid nakabiyahe.
Galing ang mga stranded sa CALABARZON, MIMAROPA, Region 6 at Region 8.
Maliban dito, mayroon ding 130 rolling cargoes at tatlong barko ang stranded.
Ayon sa NDRRMC nasa pitong pamilya o katumbas ng 30 indibidwal sa Region 8 ang inilkas dahil sa sama ng panahon.
Limang lugar sa apat na rehiyon ang may naitalang pagbaha.
Inanunsiyo naman ng NDRRMC na ang biyahe patungong Masbate via Batangas port ay nag resume na.
Samantala, pinag-iingat namang ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Council ang mga QCitizens na mag-ingat pa rin kahit walang direktang epekto ang nasabing bagyo sa lungsod subalit magdadala ang dulong kaulapan nito ng kalat-kalat na mahihina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan kung kaya’t manatiling maging handa sa biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.
Siniguro naman ng Quezon City DRRMO ay patuloy silang magmomonitor sa mga posibleng pagbabago sa galaw at kilos ni Bagyong Lanie na maaring magdulot ng masamang epekto sa lungsod.
Bilang precaution sa Bagyong Lanie, nagsagawa na ang QCDRRMO ng Pre-Disaster Risk Assessment sa ibat ibang barangays sa Quezon City para sa preparedness measures, mitigation sa posibleng epekto na dala ng Bagyong Lanie.