CENTRAL MINDANAO – Isang seremonya ang ginanap para sa pagsasagawa ng pangunahing pagsasanay ng military (basic military training) para sa paunang batch ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front-Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF) sa probinsya ng Cotabato.
Ang 225 na MILF na dating mandirigma ay sumasailalim sa 26-araw na pagsasanay para sa paglikha ng Joint Peace and Security Team (JPST).
Kasama sa composite group ang militar at pulisya.
Magkakaroon ng 200 JPSTs na binubuo ng 6,000 tauhan na nakatalaga upang tulungan ang mga pamayanan sa ilang bahagi ng Mindanao sa pagpapatupad ng Normalization Track ng Comprehensive Agreement sa Bangsamoro sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF.
Dumalo sa ceremonial event sina Presidential Peace Adviser na si Carlito Galvez Jr at Ministro Abdulraof Macacua (Ministry of Environment, Natural, Resources and Energy) na kumakatawan BARMM Interim Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim.
Nag-umpisa na rin ang pagsasanay ng 225 dating mga magdirigma ng MILF sa Division Training School ng 6th Infantry (Kampilan) Division sa Camp Lucero Carmen, North Cotabato.