-- Advertisements --

Nasa kabuuang 225 na mga Pilipino na ang nakauwi sa bansa mula sa Ukraine kasunod ng naging pag-atake ng Russia noong Pebrero 24.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 52 na mga seafarers na ng MV Star Laura, MV Rio Grande, at MV Bonita ang nakarating na sa Maynila at Clark airports.

Dagdag pa ng kagawaran na marami pang mga seafarers mula sa Ukraine ang inaasahang dadating pa sa bansa kasunod ng deklarasyon ng Crisis Alert Level 4 sa lahat ng ating mga kababayan na nasa nasabing bansa.

Binanggit din ng DFA ang posibleng pagtatayo ng mga humanitarian corridor na magpapahintulot sa mga evacuees na makalikas sa pamamagitan ng borders ng Pilipinas kasama ang Moldova at Romania.

Samantala, iminungkahi naman ni dating Foreign Secretary Albert del Rosario sa gobyerno na simulan na ang pagtawag sa humigit-kumulang 5,000 overseas Filipino worker (OFWs) sa Russia at mga kalapit na lugar para umuwi, dahil sa binabanggit na rin ang pagbagsak ng Russian ruble na magreresulta sa wala na ring halaga ang mga remittance ng mga OFW na ito.