-- Advertisements --

Umabot na sa 229 ang nasawi sa naganap na dalawang landslides sa southern Ethiopia.

Ayon sa communications affairs ng Gofa Zone na kinabibilangan ito ng 148 na lalaki at 81 na babae ang mga nasawi kabilang din dito ang mga bata.

Inaasahan na tataas pa ang bilang mga masasawi dahil maraming iba pa ang natabunan.

Nagbunsod ang nasabing landslide sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan kung saan sa unang landslide ay maraming biktima ang natabunan.

Muling nagkaroon ng landslide kung saan natabunan dito ang mga nagsasagawa ng rescue sa naganap na unang landslide.