-- Advertisements --

KANDAHAR – Tinatayang nasa 23 Afghan security forces ang napatay sa pag-atake ng Taliban sa joint US-Afghan base sa timog-kanlurang bahagi ng Afghanistan.

Ayon kay Ministry of Defense spokesman Ghafoor Ahmad Jawed, bukod sa nabanggit na bilang ng mga nasawi, mayroong 15 iba pang security forces na nasugatan sa engkwentro sa Shorab military base na tumagal ng ilang oras.

Habang sa hanay naman umano ng mga bandido ay mayroong 15 casualties.

Kinumpirma rin ni Omar Zwak, spokesman ng provincial governor ang naturang death toll, kung saan idinagdag nito na nagpadala ng pitong suicide bombers ang Taliban na napatay sa sagupaan.

Ang nasabing pagsalakay sa Shorab ay kasabay ng pansamantalang pagtigil ng peace talks ng US at Taliban negotiators sa Doha, Qatar. (AFP)