-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang babae sa pananaksak ng live-in partner sa probinsya ng Maguindanao Del Norte.

Nakilala ang nasawing biktima na si Antonnete Angkao Indong, 23 anyos at residente ng Barangay Tapian Datu Odin Sinsuat Maguindanao Del Norte.

Habang ang suspek ay si Edward Questo Gumban na taga Sitio Sabaken Brgy Bungcog UpiMaguindanao Del Norte.

Ayon kay Upi chief Police Major Dareen Tolosa na naganap ang pananaksak ng suspek sa kanilang bahay sa Abad Street, Brgy Nuro sa bayan ng Upi.

Sinabi ng suspek na kakarating lang niya sa kanilang bahay nang makita ang kanyang kalive-in partner na may ibang ka video-call na lalaki sa kanyang cellphone.

Nagtalo ang dalawa dahilan kung bakit kumuha ng kutsilyo ang suspek ang sinaksak ang kanyang kinakasama.

Aminado naman ang suspek sa nagawang krimen at sasampahan ito ng kasong murder habang nakapiit sa costudial facility ng Upi MPS.