-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Depresyon ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pagbigti ng isang binata sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jay-R Canja Rivera, 23, may live-in partner at residente ng Roldan Subdivision, Purok Rosas, Barangay Poblacion 8, Midsayap, Cotabato.

Ayon kay Midsayap chief of police, Lt. Col. John Miridel Calinga na pumunta ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan na si Arnel Jamoya kasama ang pinsan nitong si Riam Canja.

Naglahad ito ng kanyang personal na problema at nais na umano niyang kitlin ang kanyang sariling buhay.

Hindi pinansin ng mga kaibigan ang banta ng binata na siya ay magbibigti.

Kinaumagahan ay laking gulat ng mga kaibigan nito at pamilya nang magbigti ang biktima sa puno ng mangga malapit sa tahanan ni Jamoya.

Sa imbestigasyon ng PNP-Midsayap PNP ay wala silang nakitang foul play sa pagbigti ng biktima.