Nagretiro na ang sikat na e-sport player sa China nasi Jian Zihao sa edad 23.
Inanunsiyo nito ang retirement sa social media matapos na madiskubre na mayroon siyang type-2 diabetis.
Nakuha aniya nito ang sakit dahil sa pagpupuyat at pagkain ng hindi masustansiyang mga pagkain dahil sa paglalaro ng computer.
Dahil dito ay apektado ang kaniyang mental health kaya minabuti na lamang niyang tumigil sa paglalaro.
Mula pa noong 2012 ay naging professional gamer na ito sa larong “League of Legends” sa ilalim ng pangalang “Uzi”.
Aabot sa mahigit limang milyon ang kaniyang followers sa social media.
Malaking problema sa China ang gaming addiction na naging sanhi ng paglobo ng mga batang nagkakasakit.
Noong nakaraang taon ay nagpatupad ng batas ang China sa pagbabawal sa mga menor-de-edad na maglaro sa mga computer shop sa oras ng pasukan.