-- Advertisements --

NAGA CITY – Ideklara nang cleared sa iligal na droga ang 23 barangay mula sa walong munisipalidad ng Camarines Norte.

Inanunsyo ito sa Online Deliberation and Declaration of Drug-Cleared Barangays, kahapon, Oktubre 26, 2021, ayon sa Camarines Norte Police Provincial Office.

Kinabibilangan ng drug-cleared barangays ang Lukbanan, Magsaysay, Mataque, San Antonio sa Capalonga; Brgy. Talusan, Calaburnay, Casalugan, Pinagbirayan Malaki sa Paracale; Brgy. San Francisco, Bakiad, Anahaw, Awitan sa Labo; Brgy. Parang, Plaridel, North Poblacion sa Jose Panganiban; Brgy. Guinacutan, Poblacion 1, Sto Domingo sa Vinzons; Brgy. San Pedro, Tabugon sa Sta Elena; Brgy. Manguisoc, San Roque sa Mercedes; at Brgy. Poblacion 2 sa Basud.

Kaugnay nito, pinuri ni PCol. Julius Guadamor, Director ng CNPPO ang lahat ng pagpupursige at sakripisyo ng mga pulisya na nasa likod ng pag-aasikaso sa mga dokumento.

Maging ang mga sangay ng gobyerno na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang nasabing adhikain na pa unti-unting malinis ang lahat ng barangay laban sa iligal na droga ay nakatikim din ng papuri kay Guadamor.