-- Advertisements --
DUBAI – Nilinaw ng Ports and Maritime Organisation of Iran na nasa ligtas nang kalagayan ang nasa 23 crew ng British-flagged na Stena Impero tanker na hinuli ng kanilang Revolutionary Guards sa Persian Gulf.
“All 23 crew members aboard the ship are safe and in good health in Bandar Abbas port,” ani Allahmorad Afifipour.
Ayon naman kay Stena Bulk, Sweden-based owners ng barko, naghahanda na sila ng formal request sa Iran para mabisita ang mga crew na mula sa India, Latvia, Philippines at Russia.
Nabatid na inilagay sa kustodiya ng Iranian authorities ang naturang crew members dahil sa diumano’y pagkakadawit sa aksidente ng MT Stena Impero matapos daw nitong mabangga ang isang fishing boat na pagmamay-ari ng Iran. (CNA)