-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Isa na namang malaking tagumpay sa paglaban ng lungsod ng Baguio sa coronavirus disease (COVID-19) ang paggaling sa nasabing sakit ng 23-day-old na baby girl.
Nakalabas na mula sa Pines City Doctors’ Hospital ang naturang sanggol pagkatapos nitong magpagaling sa loob ng 14 na araw.
Maaalalang 8-day old lamang ang nasabing sanggol nang magpositibo ito sa COVID-19.
Nitong Biyernes ay nakalabas din mula sa BGHMC ang pinakabatang medical frontliner na nagpositibo sa COVID-19 sa Baguio City.
Nananatiling 30 ang kaso ng COVID 19 sa Baguio City, kung saan 18 na ang gumaling, 11 ang nasa pagamutan at isa ang nasawi.