-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad matapos isugod sa ospital ang 23 estudyante na nagmartsa sa Unibersidad ng Eastern Philippines, Northern Samar.

Ayon kay Elizabeth Dubongco, university physician, posibleng dahil sa matinding init dahil sa sikat ng araw ang dahilan ng pagkahimatay ng mga mag-aaral.

Bukod dito, may walo ring isinugod sa clinic ng unibersidad dahil sa dehydration, diarrhea at hirap sa paghinga.

Batay sa ulat, inabot ng pitong oras ang commencement exercises na ginanap sa open field ng unibersidad.

Naitala naman ang 34-degree Celsius na heat index sa bayan ng Catarman.

Sa ngayon nagpapagaling na ang mga estudyante.