-- Advertisements --

Nailigtas ng mga otoridad ng Mexico ang 23 na kabataan matapos na sila ay dinukot at sapilitang pinagtinda ng mga handicraft.

Naaresto ang tatlong kababaihan sa pinagtataguan nilang bahay sa San Cristobal de Las Casa sa southern Mexican.

May edad mula tatlong buwan hanggang 14 anyos na sapilitang kinuha sa kanilang mga magulang.

Pinagbebenta ang mga ito ng handicraft sa tourist spot ng lugar at tinatakot kapag hindi ginagawa ang iniuutos ng mga dumukot.