CENTRAL MINDANAO – Muling nakapagtala ang bayan ng Kabacan, Cotabato ng panibagong kaso ng COVID-19.
Ito na ang pang-23 kaso sa bayan at panglima sa aktibong kaso.
Batay sa datos ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, inaalam pa ang history ng exposure lalo pa’t walang travel history umano ang nagpositibo.
Naka-isolate na ang pasyente habang mino-monitor din ang mga kasama nito sa loob ng kanilang pamamahay.
Patuloy naman sa apela si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa publiko na sumunod sa ipinapairal na health protocol standard at higit na maging totoo sa mga travel kung meron man.
Samantala, tinanggap na ng abot sa 560 na mga cash for work beneficiaries ang kanilang sahod sa bayan ng Kabacan.
Matatandaang walong barangay ng Kabacan ang naging benepisyaryo sa cash for work na nagsimula nitong unang lingo ng Nobyembre 2020.
Kinabibilangan ito ng Brgy. Dagupan, Poblacion, Kilagasan, Cuyapon, Osias, Aringay, Kayaga, at Lower Paatan ang mga benepisaryo.
Mismong ang Department of Social Welfare and Development Office XII ang nanguna sa pagbigay ng sahod ng mga ito.
Siniguro naman ni MSWD Officer Susan Macalipat na may mga kasunod pang kahalintulad na programa para sa mga Kabakeño.