-- Advertisements --
Nag-iwan ng 23 katao patay at 200 sugatan ang nangyaring pagbaha sa Timog at Kanlurang bahagi ng Iran.
Patuloy naman ang paghikayat ng mga otoridad na ipagpaliban muna ng mga Iranians ang pag-alis sa kani-kanilang mga kabahayan dahil sa nagbabadyang patuloy na pag-ulan.
Nagbigay abiso naman ang Ministry of Interior na seryosohin ang mga pinapadalang text messages ng Disaster Management Organisation upang balaan ang mga ito na iwasang tahakin ang mga lugar na may baha, lalong-lalo na ang mga bundok at ilog.
Naganap ang pagbaha habang ipinagdiriwang ng bansa ang Iranian New Year kung saan karamihan ay nasa bakasyon.
Inilagay naman sa high alert level ang 12 probinsya dahil inaasahan ng mga ito na maaaring tumaas ang lebel ng baha.