-- Advertisements --

Patay ang nasa 23 katao matapos ang ginawang airstrike ng Russia sa Ukraine.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na sa lungsod lamang ng Dobropillia ay mayroon ng 11 katao ang namatay at mahigit 50 ang sugatan.

Inaalam pa nila kung magkano ang naging kabuuang damyos sa dami ng mga gusaling nasira.

Nangyari ang insidente ng ipinatigil ng US ang military aid at intelligence sharing sa Ukraine para pumayag ang Ukraine na makipagkasundo sa Russia.