-- Advertisements --
Umabot sa 23 ang nasugatan sa bird-strike ng eroplanong A321 ng Ural Airlines na sumasadsad sa isang cornfield doon isang kilometero mula sa Moscow Zhukovsky Airport.
Ayon sa Piloto, biglaang nasira umano ang makina ng eroplano matapos mabangga ang kawan ng mga ibon kaya kinailangang mag-emergency landing.
Sakay nito ang 226 na pasahero at pitong crew members ng Ural Airlines.
Sa tala ng Russian Health Authorities, 23 ang nasugatan kabilang na ang limang bata na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Umabot sa 20 Ambulance workers at 2 helicopters ang dumating upang irescue pa ang ilang mga pasahero.